Home ENTERTAINMENT New minstrels singer Louie Reyes, pumanaw na!ENTERTAINMENTNATIONWIDESHOWBIZTOP STORIES New minstrels singer Louie Reyes, pumanaw na!October 30, 2025 17:113080 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sumakabilang-buhay nitong October 26, Linggo ang dating miyembro ng grupong New Minstrels na si Louie Reyes.Ovarian cancer ang sanhi ng kanyang pagkamatay.Sa tribute post ng kapwa mang-aawit na si Ivy Violan, Louie’s husband Cesar dela Fuente wrote: “I lost the love of my life.”Taong 1979 noong magpakasal sina Louie at Cesar, na bumuo rin ng the New Minstrels.Nagsimulang maging jazz singer si Louie pero higit na nakilala sa nasabing grupo which performed a variety of genres.Naging breeding ground ang New Minstrels sa mga tulad nina Ray-Ann Fuentes, Eugene Villaluz, Chad Borja at Joey Albert.Ilan lang sa mga sumikat na awitin ng grupo’y ang Smile, Buhat, I Don’t Love You Anymore at Kahit na Magtiis.With a degree in Music Education, naging voice coach at instructor si Louie.Taong 1999 noong mag-migrate siya sa Amerika pero patuloy pa rin ang kanyang passion for music.Bagama’t mas nakilala bilang jazz singer si Louie, naging matagumpay naman ang kanyang crossover sa ibang genre tulad ng disco, Broadway at pop.Itong taon ding ito namayapa ang tinaguriang original Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro na produkto rin ng banda.Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Louie Reyes. Ronnie Carrasco III