Home METRO Pasay City Mayor Emi nag inspection sa Pasay Cemetery

Pasay City Mayor Emi nag inspection sa Pasay Cemetery

310
0

PASAY CITY, Philippines – Nagsagawa ngayong pasado alas 3:00 ng hapon ng inspeksyon si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa 3.6 hectares Sarhento Mariano Public Cemetery para tingnan ang paghahanda ng mga kinauukulan sa inaasahang pagdagsa ng tao simula ngayong araw hanggang November 3.

Bukod sa paghahanda ngayong undas 2025 nais rin matiyak ni Mayor Emi ang paghahanda ng Pasay City Police para sa kaligtasan ng mga magtutungo sa sementeryo at matiyak na walang anumang krimen na magaganap.

Ayon sa Alkalde umaaabot sa 50,000 katao ang dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay simula October 31 hanggang November 3.

Nananawagan din si Mayor Emi sa publiko na kung maaari ay ipatupad ang kaligtasan ng kalusugan sa pagdalaw sa papagitan ng pagsusuot ng face mask lalo na ang mga may karamdaman.

Hinikayat din ng alkalde ang publiko na kung maari ay tingnan sa kanilang website at FB page para sa mga paalala at panunatunan sa mga magtutungo sa sementeryo. Cesar Morales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here