Manila, Philippines – Maging si FDCP Chairman Joey Reyes–na isa ring film director–ay may mga nakabiting tanong tungkol sa biopic na Quezon.
Ang Quezon mula sa direksyon ni Jerrold Tarog ay hango sa buhay ng dating Pangulong Manuel Quezon.
Bida rito si Jericho Rosales.
Ayon sa Facebook post ni direk Joey, napanood at lumabas daw siya ng sinehan na ang pakiramdam ay: “I’m greatly disturbed!”
Tinatanong daw niya ang kanyang sarili–base sa pelikula–kung saan nagsisumula ang fact at saan nagtatapos ang fiction.
Ikalawa, ano raw ba ang gustong iparating ni Tarog sa huling installment ng Bayaniverse?
Nauna na sa trilogy ang Heneral Luna at sinundan ng Goyo.
Nais ding malaman ni Reyes na bakit mas pinipili pang panoorin ng publiko ang pitong kalahok sa CineSilip Film Festival.
Tila sa paghahanap ng kasagutan sa kanyang mga tanong ay hindi raw makakatulog si direk Joey.
Nauna rito, nagpahayag ng pagkadismaya ang isang apo ni Quezon na si Ricky Avanceña dahil sa pambababoy sa alaala ng kanyang lolo.
Nakahanap din ng kakampi si Ricky sa pinsan nito at aktor na si John Arcilla.
Maging ang FDCP Chair na pinalitan ni Reyes na si Liza Diño-Seguerra ay sang-ayon sa posisyon ng mga buhay na descendants ni Quezon. Ronnie Carrasco III