Home NATIONWIDE OFWs sa Jamaica na hagip ng Hurricane Melissa, aayudahan

OFWs sa Jamaica na hagip ng Hurricane Melissa, aayudahan

295
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Jamaica at kalapit na Caribbean islands na naapektuhan ng Hurricane Melissa, ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng Jamaica.

Sa pahayag nitong Huwebes, nagpahayag ng malasakit si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa mga OFWs at sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. “Rest assured, your government is actively working to protect the well-being of every Filipino in Jamaica and nearby Caribbean islands,” ani Cacdac.

Nakikipag-ugnayan ang DMW sa Philippine Embassy sa Washington, DC, Philippine Honorary Consulate sa Jamaica, at mga lider ng komunidad ng Pilipino.

Pinayuhan ng kalihim ang mga OFWs na manatili sa loob ng bahay, pumunta sa ligtas na shelter, ilagay sa waterproof na lalagyan ang mahahalagang dokumento, at sundin ang opisyal na advisories.

Ang Hurricane Melissa ay Category 5 nang tumama sa Jamaica, nagdulot ng pagbaha, brownout, at pagkamatay ng 25 tao sa Haiti at apat sa Jamaica. Humina na ngayon ang bagyo sa Category 1.

Patuloy na minomonitor ng DMW ang sitwasyon upang matiyak na makarating ang tulong sa mga nangangailangan. Para sa emergency o consular assistance, maaaring makipag-ugnayan ang mga OFW sa Philippine Embassy sa Washington, DC, MWO-OWWA office, o Philippine Honorary Consulate sa Jamaica.

“Your safety remains our top priority. Remember, you are not alone. Your government stands with you, and the Filipino nation is praying for your safety and recovery,” ani Cacdac. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here