Home NATIONWIDE Pagkasawi ng marinong Pinoy sa barko, tatalupan ng DMW

Pagkasawi ng marinong Pinoy sa barko, tatalupan ng DMW

357
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng isang Pilipinong crew member ng cruise ship na MV Arvia na pinatatakbo ng P&O Cruises, na kasalukuyang iniimbestigahan.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng DMW na hindi muna isasapubliko ang pagkakakilanlan ng seafarer habang nakikipag-ugnayan ang licensed manning agency at may-ari ng barko para sa masusing imbestigasyon.

“We join the family in mourning and send our heartfelt sympathies. May our kababayan’s soul rest in peace,” ayon sa ahensya.

Batay sa ulat, nasawi ang Pinoy crew noong Linggo habang naglalayag ang barko mula Southampton patungong Tenerife.

Ang MV Arvia ay nasa 14-night transatlantic voyage patungong Caribbean at inaasahang darating sa Barbados sa Nobyembre 7.

Tiniyak ng DMW ang tulong at regular na update sa pamilya ng nasawi, at iginiit na “profoundly mourned” ng maritime community ang pangyayari habang nananatiling tapat ang ahensya sa pagpapanatili ng kapakanan at dignidad ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here