Home NATIONWIDE Japan magbibigay ng P137-M ayuda sa Pinas vs TB

Japan magbibigay ng P137-M ayuda sa Pinas vs TB

324
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Japan ng grant na ¥370 milyon (P137 milyon) upang palakasin ang tugon ng Pilipinas sa tuberculosis (TB), lalo na sa mga liblib at underserved na lugar.

Sa isang seremonya sa The Westin Manila, nilagdaan nina Japanese Ambassador Kazuya Endo at UNOPS Geneva Director Andrew Kirkwood ang kasunduan, na dinaluhan ni Health Secretary Teodoro Herbosa.

Ilalagay sa mga provincial health office ang 20 ultraportable X-ray units na may computer-aided diagnosis upang mapabilis ang maagang pagtuklas at paggamot ng TB.

Ayon sa World Health Organization, mataas ang kaso ng TB sa Pilipinas, na tinatayang umabot sa 739,000 noong 2023. Ipatutupad ang proyekto sa pamamagitan ng Stop TB Partnership, kasabay ng Department of Health. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here