MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Asia-Pacific economies na bigyang kapangyarihan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at suportahan ang digital trade upang matiyak ang ‘inclusive at resilient growth’ sa gitna ng global disruptions.
“By streamlining rules, investing in digital infrastructure and platforms, and equipping our MSMEs and workforce with the skills and tools they need to compete globally, we can secure our collective resilience and ensure that growth remains inclusive,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa APEC Economic Leaders’ Meeting, sa GYEONGJU, South Korea, araw ng Biyernes, Oktubre 31.
Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan para sa ‘regulatory reforms, digitalization, at skills development’ upang makalikha ng “smarter and more sustainable supply chains.”
Ani Pangulong Marcos, patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang framework o balangkas nito para sa public-private collaboration, tinukoy ang Public-Private Partnership Code of the Philippines (Republic Act 11966) isinabatas noong 2023, tinawag niyang “landmark legislation” na mangangalaga sa ‘business confidence at investment.’
“This law embodies our commitment to creating an enabling environment where private enterprises can actively contribute to domestic and regional development goals,” ayon sa Chief Executive.
Hinikayat din ng Pangulo ang mas malalim na pagtutulungan sa APEC Business Advisory Council (ABAC) upang ipinid ang investment gaps sa enerhiya, digital transformation, at imprastraktura.
“We see the business community as our kabalikat, our steadfast partners, in building a more connected and resilient APEC region,” anito.
Idinagdag pa ng Pangulo na suportado ng Pilipinas ang panukalang bagong services agenda at ang nalalapit na “Incheon Plan” sa ilalim ng APEC Finance Ministers’ Process, dinisenyo para tugunan ang umuusbong na hamon sa pamamagitan ng ‘fiscal innovation at climate resilience.’
“Together, we can unlock the full potential of our peoples to foster peace, bolster shared prosperity, and build resilience across our region and beyond,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Samantala, ang Pangulo ay nasa South Korea para magpartisipa sa Asia-Pacific leaders for the APEC Summit.
Nakatakda rin siyang maghayag ng kanyang talumpati sa harap ng mga top business leaders sa rehiyon, ngayong araw kung saan inaasahan na ipopuwesto niya ang Pilipinas bilang ‘key investment hub.’ Kris Jose