Home HOME BANNER STORY Drayber patay, 5 sugatan sa nalaglag na SUV sa bangin sa Laguna

Drayber patay, 5 sugatan sa nalaglag na SUV sa bangin sa Laguna

341
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 65-anyos na drayber, habang sugatan ang lima niyang pasahero matapos mahulog ang isang sports utility vehicle sa bangin sa Cavinti, Laguna nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 30.

Ayon sa report mula sa Police Regional Office 4A nitong Biyernes, binabagtas ng Mitsubishi Xpander na minamaneho ni “Larry” ang pakurbang bahagi ng national highway sa Barangay Duhat bandang 2:55 ng hapon nang dumulas ito sa bahagi ng kalsada dahilan para mawalan ng kontrol ang drayber sa manibela.

Kalaunan ay nahulog sa bangin ang sasakyan na may hindi pa tukoy na lalim.

Nagtamo naman ng mga pinsala sa katawan ang limang pasahero nito kabilang ang dalawang matanda at isang 11-anyos na lalaki na agad dinala sa ospital sa Sta. Cruz.

Idineklara namang dead on arrival ang drayber ng SUV. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here