Home ENTERTAINMENT Sunshine, may pinaha-hunting!

Sunshine, may pinaha-hunting!

333
0

Manila, Philippines – Galit na galit si Sunshine Cruz sa mga taong nasa likod ng ilang online sites na nagpapakalat ng kabastusan at malilisyosong balita laban sa kanya at sa kanyang mga anak.

Kaya naman pinahahanting niya ang mga ito.

Ayon kay Sunshine, kinausap na niya ang kanyang abogado para alamin kung sinu-sino ang mga gumagawa at nagpapakalat ng mga libelous at pekeng balita, kabilang na ang umano’y pananakit sa kanya ng boyfriend na si Atong Ang.

Idinamay pa raw ng mga ito ang mga anak nila ni Cesar Montano na sina Angelina Cruz, Samantha Cruz, at Chesca Montano.

Sa kanyang Facebook page, ni-repost ng aktres ang ilang screenshots ng mga fake news mula sa isang online site kabilang na ang chikang buntis daw ang isa sa mga anak niya at ang tatay ay si Atong.

Ang caption ni Sunshine sa kanyang post, “My children and I have been subjected to years of ridiculous rumors.

“My children and I have been supposedly pregnant, murdered, beaten, arrested and even secretly own a mansion in a posh village.

“It’s a testament to how easily people are misled that even the smartest individuals sometimes fall for them.

“No to #fakenews!”

Kasunod nito, kinumpirma nga ni Sunshine na pinag-aaralan na raw ng kanyang abogado kung anong gagawin nila sa mga taong nasa likod ng mga naturang fake news. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here