Home METRO Magsasaka pinagbabaril; Ugnayan sa droga, posible

Magsasaka pinagbabaril; Ugnayan sa droga, posible

271
0

CEBU, Philippines – Sa isang hot pursuit operation na ikinasa ng pulisya sa Argao, Cebu, arestado ang suspek sa pagpatay sa isang 26-anyos sa magsasaka sa kahabaan ng national highway sa Barangay Apo, Argao, noong Huwebes ng gabi, Oktubre 30.

Ang biktima ay kinilala bilang si Renan Jake Templa Bermejo, residente ng Cantularoy, Sibonga.

Ayon sa nakasaksi, ang suspek, na kinilalang si Lope Carreon, residente ng Barangay Apo, ay nakikipag-inuman noong gabing iyon kasama ang iba pa malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Nang dumating ang biktima bandang alas-6:45 ng hapon, nakita ang dalawa nang nagkaroon ng maigsing pag-uusap bago umano kumuka ng baril ang suspek at binaril ito.

Nakakita rin ang mga imbestigador ng mga dugo sa kalsada, na maaaring nagtangka pa si Bermejo na umalis papuntang Ronda ngunit, ulit-ulit pang pinaputukan ng suspek hanggang sa bumagsak ito.

Kinumpirma ng mga opisyal na dead-on-the-spot ang biktima.

Sa pag-iimbestiga sa pinangyarihan ng krimen, nasamsam ng pulisya ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at P200 sa katawan ng biktima kaya’t sinabi ng mga awtoridad na maaaring may kinalaman ito sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa mga imbestigador, maaaring hindi nakapag-remit si Bermejo sa umano’y illegal na drug transactions.

Samantala, kinilala ng mga polisya si Carreon bilang gunman dahil sa mga nakasaksi.

Ang kaso ay nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here