MANILA, Philippines – Ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng northeastern Mindanao ay lumakas na at naging ganap na bagyo, ayon sa 5 AM bulletin ng PAGASA.
Batay sa forecast track ng ahensya, patuloy itong kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran (west northwestward) at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o hapon, Linggo, Nobyembre 2, 2025.
Pagpasok nito sa loob ng PAR, papangalanan itong “Tino.” RNT/MND