Home HOME BANNER STORY Bumibisita sa MNC sumirit na sa 350K

Bumibisita sa MNC sumirit na sa 350K

217
0

MANILA, Philippines – Sa pagbuhos ng mga bibisita sa sementeryo, umakyat na sa 350,000 indibidwal ang pumasok sa loob ng Manila North Cemetery.

Karamihan sa mga nakukumpiska ngayong araw para sa Ligtas Undas 2025 sa Manila North Cemetery ay mga flamable na gamit kabilang ang mga kaha-kahang sigarilyo, alcohol, pabango, vape, pintura.

May nagtangka pa ring magapsok ng panglinis tulad ng dustpan at walis tingting.

Medyo makulimlim na ang lagay ng panahon kaya naman sinasamantala ng publiko na makabisita na sa puntod ng kanilang yumao upang makapag-alay ng bulaklak at panalangin at makapagsindi na rin ng kandila para sa kanilang mga kaluluwa.

Ayon sa Manila Police District Command Post, asahan pa ang pagtaas ng bilang na ito hanggang mamayang hapon at sa pagsasara ng sementeryo bandang alas-9 ng gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here