Home METRO Sementeryo ‘bantay-sarado’ ng mga parak sa Bulacan para sa mapayapang Undas 2025

Sementeryo ‘bantay-sarado’ ng mga parak sa Bulacan para sa mapayapang Undas 2025

363
0

BULACAN, Philippines – Para sa safety and security ng publiko ay laging abot-tanaw ngayong Nobyembre 1 ang ipinakalat na sandamukal na pulis sa lalawigang ito.

Sa ilalim ng superbisyon ni PCOL Angel Garcillano ng Bulacan Police Provincial Office, nakakalat na ang mga police personnel sa kasagsagan ng pagtalima sa Undas 2025.

Nakalatag na umano ang Police Assitance Desks (PADS) sa mga sememteryo, simbahan, transport terminal at iba pang public areas.

Katuwang ng mga pulis sa lugar ang mga barangay tanod at iba pa gaya ng force multifliers na magbibigay ng mabilis na assistance, information at security sa publiko.

Magsasagawa din ng information campaigns kabilang ang distribution ng IEC materials para sa Ligtas Undas Safety Tips with PNP hotline numbers, Oplan Bandillo at visibility patrols para sa mapayapang Undas 2025. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here