MANILA, Philippines — Determinado ang pamahalaan na isama ang artificial intelligence (AI) sa operasyon ng gobyerno “as much as we can, as soon as we can,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagbabala na ang pagkaantala ay maaaring magpahuli sa bansa sa pandaigdigang digital transformation.
“You’re missing a chance if you wait. AI is going to come — parang alon ‘yan. Kahit anong gawin mo, mababasa ka,” pahayag ng Pangulo sa panayam matapos ang 2025 APEC Summit sa Gyeongju, South Korea.
“And if you don’t learn how to swim, maiiwanan ka talaga,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Marcos na kabilang ang AI sa mga pinaka-tinampok na paksa sa mga sesyon at bilateral meetings ng APEC, kung saan kinilala ng mga lider ang parehong potensyal at panganib nito.
“What AI can do one month ago is different from what AI will be able to do one month from now. It’s such a powerful tool, and you must take advantage of it as quickly as possible,” aniya.
Ayon sa Pangulo, kasalukuyan nang pinag-aaralan ng pamahalaan kung paano epektibong maisasama ang AI sa iba’t ibang ahensya, katuwang ang mga global experts at lokal na think tanks upang matiyak ang ligtas at kapaki-pakinabang na paggamit nito.
Binigyang-diin din ni Marcos na dapat isaalang-alang sa paggamit ng AI ang mga usapin sa ethics, data protection, at public trust.
Itinampok din sa APEC Summit ang kahalagahan ng AI-driven growth at innovation, na nagbunga ng Gyeongju Declaration na sumusuporta sa APEC AI Initiative, isang rehiyonal na balangkas para sa ligtas, inklusibo, at makataong paggamit ng teknolohiya. RNT/JGC