Home NATIONWIDE 7K residente ng Dinagat Islands inilikas sa bagyong Tino

7K residente ng Dinagat Islands inilikas sa bagyong Tino

337
0

MANILA, Philippines – Nasa 7,000 residente sa coastal areas sa Dinagat Islands ang inilikas bilang bahagi ng paghahanda sa Bagyong Tino, ayon kay Dinagat Islands Governor Nilo Demerey Jr. nitong Lunes, Nobyembre 3.

Ani Demerey, 87 sa 100 barangay sa probinsya ang nasa coastal areas.

“Kami’y nagdarasal pero nag-preemptive evacuation na,” aniya.

Sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa buong probinsya.

Suspendido rin ang pasok sa pribado at pampublikong mga opisina maliban sa mga ospital, rescue units, pulisya at frontline services.

Ayon pa sa gobernador, sinuspinde na rin ang mga biyaheng pandagat patungo at paalis ng Dinagat Islands nitong Linggo.

Humingi na ng tulong si Demerey sa pamahalaan para sa pagpapadala ng mga tauhan at air assets mula sa Armed Forces of the Philippines sa oras na kailanganin nila ito.

Humiling din ng karagdagang food packs ang probinsya mula sa Department of Social Welfare and Development.

Batay sa pagtaya, nasa 65 barangay ang maaapektuhan ng bagyong Tino. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here