MANILA, Philippines – Patay matapos pagbabarilin ang isang police investigator malapit sa isang fast-food restaurant sa Emilio Vergara Highway sa Barangay Sta. Arcadia, Cabanatuan City, Nueva Ecija gabi ng Linggo, Nobyembre 2.
Ang biktima ay kinilalang si Police Corporal Joseph Toribio, miyembro ng Cabanatuan City Police Station Drug Enforcement Unit at residente ng Santa Rosa, Nueva Ecija.
Nananatiling hindi pa tukoy ang nasa likod ng pamamaril.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar at naabutan ang biktima na duguan at wala nang buhay habang nakasubsob sa kalsada.
Iniimbestigahan na ang insidente kasabay ng pagsusuri sa mga CCTV footage sa lugar upang matukoy ang gunman. RNT/JGC