MANILA, Philippines – Inilagay na rin ng Philippine Red Cross ang lahat ng kanilang Cebu chapters sa full alert habang patuloy na lumalakas ang Severe Tropical Storm Tino (Kalmaegi) na inaasahang makakapekto sa ilang bahagi ng Visayas region sa susunod na mga araw.
Alinsunod sa direktiba ni PRC Chairman Richard J.Gordon, ang lahat ng mga chapter sa mga potensyal na apektadng lugar ay inatasan na magsagawa ng mga hakbang sa pag-iingat, pakilusin ang kanilang 143 volunteers at tiyaking n naka-standby ang lahat ng emergency response asset para sa agarang deployment.
Nakahanda na rin ang PRC kung saan idineploy ang kanilang mga rescue boat at iba pang kagamitan sa pagliligtas ng buhay dahil sa inaasahang posibleng pagbaha at mga sea-related emergencies.
Tiniyak din humanitarian organization na ang lahat ng sasakyan at rescue equipment at emerency supplies ay fully operational at handa para sa mobilisasyon sakaling kakailanganin.
Patuloy ang PRC na nakikipahtulungan sa mga LGU, mga kasosyo at mga volunteers nito upang matiyak na ang napapanahong tulong ay ipapaabot sa mga apektado at nanganganib na komunidad.
Para sa mga emergency, at agarang tulong, mangyaring i-dial ang 143. Jocelyn Tabangcura-Domenden