Manila, Philippines- Hindi lubos-maisip ni Marjorie Barretto kung bakit nakapagbitiw ng mga masasakit na salita laban sa kanya ang inang si Mommy Inday.
Nasa Part 2 ng interview ni Ogie Diaz kay Mrs. Barretto ang mga hanash nito patungkol kay Marjorie.
Marjorie is the sixth and the second to the last child of Miguel and Inday.
Ayon kay Mommy Inday, among others ay hindi raw sila on good terms ni Marjorie–bagay na labis nitong pinagtakhan.
Ani Marj, nananaginip lang daw ba siya noong araw-araw ay magkasama sila ng ina noong maospital ang kanyang Kuya Mito, ibinurol nang tatlong araw hanggang inurnment nito?
Sinabi rin ni Marjorie na: “If you’re not a problematic child, you’re the least favorite!”
Palibhasa raw kasi’y tama nga ang obserbasyon ng ina that Marj is a strong-willed woman.
Wari’y this sets her apart from Claudine who’s burdened with problems.
Duda pa ni Marj, may “Mission: Destroy Marjorie” para umangat si Claudine bagama’t “youngest child” ang description niya sa aktres who Mommy Inday wants to come out good and clean.
Hindi raw totoong ikinahihiya niya ang ina tulad ng ipinalalabas nito.
“In fact, I want her to know that I love her and I have learned to accept the kind of love she can give me,” himutok niya.
As to her rivalry with Gretchen and Claudine: “It’s mom who doesn’t want me to fix things with them because if I do that, mom is afraid she’ll be left out.”
Given na may favoritism daw ang ina, the least that Marjorie can do daw is to channel her energies to her children at ipakita kung gaano niya kamahal ang mga ito.
Hiling lang ni Marj, huwag na sanang idinadamay pa ng ina ang non-showbiz members ng kanilang pamilya.
Kayo–sino kina Mommy Inday at Marjorie ang sa tingin n’yong nagsasabi ng totoo? Ronnie Carrasco III