Home NATIONWIDE ‘Key witness’ kukumpleto sa flood control probe ng Senado – Lacson

‘Key witness’ kukumpleto sa flood control probe ng Senado – Lacson

272
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na iimbitahan ng panel ang isang “napakahalagang saksi” na ang testimonya ay maaaring kumumpleto sa chain of evidence at humantong sa prosecution sa kasalukuyang imbestigasyon sa pondo ng flood control.

Ang saksi ay nagtatapos na ng affidavit na suportado ng mga ledger, digital files, at iba pang dokumento.

“Importante kasi pwedeng ma-wrap up ‘yung lahat ng kelangang malaman patungo pati sa prosecution at conviction,” ani Lacson. Binigyang-diin niya na dapat suportado ng ebidensya ang lahat ng ipapahayag ng saksi.

Maaaring itakda ang susunod na pagdinig sa Nobyembre 14, kung saan maaaring talakayin ang pagpapa-subpoena kay retired Marine T/Sgt. Orly Guteza.

Ayon kay Lacson, kailangan ng corroboration mula sa ibang saksi o dokumento upang maging kredible ang pahayag ni Guteza.

Iginiit din niya na ipagpapatuloy ng komite ang imbestigasyon nang patas at walang pinapaboran. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here