MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya ang nagwagi ng ₱2,347,883 sa 6D Lotto draw nitong Martes, Nobyembre 4, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang nanalong kombinasyon ay 6-9-3-9-2-6.
Walang nanalo sa mga major jackpot games. Umabot na sa ₱97.5 milyon ang premyo ng Ultra Lotto 6/58 (kombinasyon: 37-38-12-02-04-44), ₱164.4 milyon sa Super Lotto 6/49 (kombinasyon: 06-10-38-47-08-44), at ₱60.9 milyon sa Lotto 6/42 (kombinasyon: 10-01-32-04-18-09). RNT