MANILA, Philippines – Muling nanawagan ang Philippine Heart Association (PHA) sa Department of Education (DepEd) na ganap na ipatupad ang Republic Act 10871, o “Samboy Lim Law,” na nag-uutos ng basic life support training sa mga paaralan.
Ang batas, na naging epektibo noong Hulyo 2016, ay naglalayong isama ang basic life support sa health at physical education curriculum, gamit ang mga training program mula sa DOH, PHA, at Philippine Red Cross.
“We’ve been knocking on the doors of DepEd and we’ve set meetings with them. Hindi naman kami supposedly [meant] to implement. They were already given the mandate to implement the law. In fairness naman, we’ve heard that they already have the IRR,” ani Dr. Don Robespierre Reyes, chair ng PHA Council on CPR.
Sa kabila ng implementing rules and regulations na inilabas noong Enero 2022, inihayag ni Reyes ang kanilang pagkadismaya na siyam na taon matapos maipasa ang batas, hindi pa rin ito ganap na naituturo.
“The ball game, nasa kamay na po yan ng DepEd and all we can do is knock on their doors and [say] ‘Hey, what about CPR. The Samboy Lim law?’ Maybe the new DepEd secretary may now give some priority with the implementation of this law,” dagdag niya.
Samantala, nagsimula na ang PHA ng mga partner projects kasama ang DepEd, kabilang ang pagsasanay para sa mga guro, habang hinihintay ang ganap na pagpapatupad ng batas. RNT