Home NATIONWIDE Operasyon ng ilang korte, sinuspinde sa hagupit ni Tino

Operasyon ng ilang korte, sinuspinde sa hagupit ni Tino

281
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng ilang korte ang kanilang operasyon noong Nobyembre 5 dahil sa Bagyong Tino (Kalmaegi), ayon sa Supreme Court (SC).

Apektado ang mga korte sa Palawan, Negros Oriental, Cebu, Aklan, at Iloilo, kabilang ang mga regional at municipal trial courts.

Iniulat ng PAGASA na ang bagyo ay nasa baybayin ng El Nido, Palawan, na may maximum sustained winds na 120 kph at bugso ng hangin hanggang 165 kph.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 52 ang naiulat na nasawi dahil sa bagyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here