Home METRO Lalaking nagbenta ng kahon-kahong pekeng yosi timbog sa Bulacan buy-bust

Lalaking nagbenta ng kahon-kahong pekeng yosi timbog sa Bulacan buy-bust

371
0

BULACAN, Philippines – Huli ang isang lalaki nang mahulihan ng kahon-kahong pekeng sigarilyo sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao nitong Nobyembre 5.

Sa ulat ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincial Intelligece Unit (PIU) Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas “Berr”, residente ng Brgy. Prenza 1.

Ayon sa report, nahuli ang suspek ng mga operatiba ng PIU katuwang ang Marilao police station bandang 6:00 mg gabi sa Brgy. Sta Rosa II.

Nasamsam sa operasyon ang ibinentang limang kahon ng pekeng “Modern” brand cigarettes na may tig-lilimampung (50) rim at P1,000 bill at 49 pirasong boodle money.

Sinasabing nahahango lamang ng suspek ang mga pekeng panindang sigarilyo sa online.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng nasabing yunit ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here