Home METRO Maglive-in partner, umiwas sa asong gala, pisak sa bus

Maglive-in partner, umiwas sa asong gala, pisak sa bus

300
0

MISAMIS ORIENTAL-NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng mag-live in partner matapos magulungan ng pampasaherong bus makaraan sumemplang ang mga ito nang mabundol ang tumatawid na aso sa national highway sa bayan ng Jasaan, nitong MIyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Apolinario Getquila at live-in partner nitong si Ave Maria Virtudazo, pawang nasa hustong gulang at kapwa taga Talisay, Gingoog.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng bus na kinilalang si Giorgia Bulay-og at taga Carmen North Cotabato.

Batay sa report ng Jasaan Police Station, bandang 10:00 AM naganap ang insidente sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Aplaya ng nasabing bayan.

Base sa kuha sa CCTV footage sa naturang lugar, minamaneho ni Gequila ng Honda ADV motorcycle angkas si Virtudazo ng biglang tumawid ang aso at hindi na nilag naiwasan.

Dahil dito, sumemplang ang dalawa sa kalsada at sakto naman humaharurot ang bus na minamaneho ni Bulay-og.

Sa bilis ng pangyayari nagulungan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung may nagmamay-ari sa tumawid na aso dahil may pananagutan ito sa ilalim ng Animal Welfare Act, na kailangan niyang i-secure ang alaga upang hindi maging banta o magdulot ng kapahamakan sa iba.

Hinihintay na rin ng pulisya ang kaanak ng mga biktima kung magsasampa ng kaso laban sa driver ng bus o magkaroon ng amicable settlement./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here