Home METRO Bulacan sasaklolohan ng Sierra Madre sa bagsik ni Typhoon Uwan

Bulacan sasaklolohan ng Sierra Madre sa bagsik ni Typhoon Uwan

421
0

BULACAN, Philippines – Malaki ang posibilidad na magiging mababa ang epekto ng Typhoon Uwan sa lalawigang ito dahil sa nakahambalang na kabundukang Sierra Madre.

Ito ang napagalaman sa pagaanalisa ng pinagsama-samang data ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management na iniulat bandang 10:00 ngĀ umaga,nitong Sabado, Nobyembre 8.

Gayunpaman, ngayong umaga sa kaparehong araw at petsang nabanggit ay makakaranas ng maulap na panahon hanggang sa hapon ang lalawigan.

Nabatid na pagsapit ng gabi ay makakaranas naman ng mahina hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan.

Makakaranas din ng may bahagyang kalakasan ng ulan mula umaga hanggang hapon at maaring magpatuloy sa gabi ng Linggo, Nobyembre 9 at sa susunod na araw ang lalawigan.

Kaugnay sa kalagayan ng mga dam, ang Angat dam ay nasa 210.33 m at patuloy na nagsasagawa ng pre-emptive release o dahan-dahang pagpapakawala ng tubig na may bilang na 324 cms.

Sinasabing nagpakawala ang Angat dam ng tubig upang may kalagyan ang inaasahang tubig na dulot ng inaasahang pag-ulan.

Samantala, ang Ipo dam ay nasa 100.77 m lebel ng tubig habang ang Bustos dam ay nasa 1584 m at umaapaw ang tubig na nasa 400 cms.

Ipinagbabawal ng kinauukulan ang lahat ng klase ng mga gawain tulad ng pangingisda, pamamangka at iba pa sa kahabaan ng Angat river.

Gayundin ang mga nasa coastal areas ay hinihiling na mag-ingat, maging alerto at mapagmatyag dahil sa inaasahang mataas na lebel ng high tide na nasa 4.33 ft bandang 10:57 ng gabi ng Sabado. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here