Home ENTERTAINMENT Pacman, dumepensa sa suot na relo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pacman, dumepensa sa suot na relo!November 9, 2025 06:223050 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng isang videographer na hindi kunan ang kumikislap-kislap na relo ni Manny Pacquiao.Trending nga ang video kung saan kaswal lang na nakaupo ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.Pero agaw-eksena ang relong suot ni Pacman–namumutiktik kasi ito sa diamante!Agad humirit si Pacman habang inaangguluhan ng videographer ang kanyang shot.Bulalas ng Pambansang Kamao: “Hindi sa flood control ‘yan, ha?!”Napapanahon nga naman ang usapin tungkol sa flood control lalo’t ilang mga pulitiko’t kawani ng gobyerno ay damay sa natuklasang alingasngas.As far as the netizens are concerned, hindi na raw kailangang dumepensa si Pacman.Alam naman daw kasi ng taumbayan kung saan galing ang yaman nito–buhat sa pagbo-boxing.Kung tutuusin pa nga raw ay ‘di hamak na mas mayaman pa si Pacman kesa sa mga sangkot sa anomalya.Hindi lingid sa kaalaman ng mga boxing fans na taong 1995 noong magsimula sa professional boxing si Manny.Nagtuluy-tuloy ito hanggang 2019 kung saan siya ang itinuturing na pinakamatandang welterweight champion.For the record, nakopo ni Manny ang pagiging kampeon sa walong divisions.Until his last term bilang senador, ni minsan ay hindi nakaladkad ang pangalan ni Pacman sa anumang isyu ng katiwalian.Pagiging “absenero” sa Senado, puwede pa…Lol! Ronnie Carrasco IIi