Home HOME BANNER STORY 30.8M ‘exposed’ population sa Bagyong Uwan – OCD

30.8M ‘exposed’ population sa Bagyong Uwan – OCD

337
0

MANILA, Philippines – Milyon-milyong Filipino ang dapat maghanda sa malalakas na ulan at hangin na dala ng posibleng super typhoon Uwan sa oras na tumama ito sa bansa.

Sa news forum nitong Sabado, Nobyembre 8, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) deputy spokesperson June Castillo na ang kabuuang populasyon ng mga probinsya na maaapektuhan ng Bagyong uwan ay nasa 30.8 milyon.

“Total population in coastal areas exposed to Typhoon Uwan… this is 1.6 million,” sinabi ni Castillo.

Ani Castillo, ang “exposed population” ay nangangahulugang “itong exposure na pinag-uusapan natin ay kung sino, saan ang hahagipin ng hangin, at mga dalang pag-ulan ng Bagyong Uwan.”

Further, Castillo said the Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) has listed over 8,000 barangays “that are also exposed and prone to rain-induced landslides and flooding.”

Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay naka-full alert na sa epekto ng Bagyong Uwan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here