Home NATIONWIDE Cebu Archbishop sa sunod-sunod na mga kalamidad: Wake up, people of this...

Cebu Archbishop sa sunod-sunod na mga kalamidad: Wake up, people of this nation!

317
0

MANILA, Philippines – “Wake up, people of this nation!”

Ito ang masidhing panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino kasunod ng magkakasunod na pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Ayon kay Archbishop UY, ang mga bundok at kagubatan na nilikha ng Maykapal ay likas na pananggalang laban sa mga sakuna tulad ng bagyo at pagguho ng lupa ngunit patuloy na nasisira dahil sa walang habas na pagmimina at illegal logging.

Hinikayat niya ang mga mamamayan na magkaisa sa pangangalaga ng kalikasan para sa kapakanan ng kasalukuyan at ang susunod na henerasyon.

Hindi pa man ganap na nakababangon ang mga Cebuano mula sa epekto ng magnitude 6.9 na lindol, ay muling sinubok ang lalawigan ng Bagyong Tino, na nagdulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Bagyong Tino ang itinuturing na pinakamapaminsalang bagyo sa lalawigan sa loob ng tatlong dekada, mula nang manalasa ang Bagyong Ruping noong dekada 90.

Samantala, bagaman umabot sa kategoryang super typhoon ang Bagyong Uwan na nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon, nakatulong naman ang Sierra Madre mountain ranges upang mapahina ang epekto nito sa pagtama sa kalupaan.

Ipinaabot ni Archbishop Uy ang kanyang panalangin para sa kaligtasan, katatagan, at pagkakaisa ng bawat Pilipino sa harap ng mga sakunang patuloy na humahamon sa bansa, kasabay ng panawagang tulungan at lingapin ang mga apektadong residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here