Home NATIONWIDE Kabi-kabilang lugar sa Bulacan pinalubog sa baha ng Bagyong Uwan

Kabi-kabilang lugar sa Bulacan pinalubog sa baha ng Bagyong Uwan

441
0

MANILA, Philippines – Maraming mababang lugar sa lalawigang ito ang binaha sa pananalasa ng bagyong Uwan at pagsabay ng high tide ng madaling araw ng Lunes nitong Nobyembre 10.

Sa report, sa kasasagan ng Bagyong Uwan ay sumabay bandang 11:42 ng gabi nitong Nobyembre 9 ang 4.23 feet na high tide.

Bukod sa ulan at tubig-alat ay sinabayan din ito ng malakas na hampas ng hangin na dahilan sa mabilis na pagtaas ng baha sa maraming lugar.

Dahil dito, binaha ang maraming lugar sa bayan ng Calumpit gaya ng Brgy. Frances, Balungao, Calizon, Gugo, Iba O’ Este, Sta Lucia habang ang pinakamalalim ay Meysulao at San Miguel na hindi na nawalan ng baha.

May mga naitala ring binahang lugar sa bayan ng Paombong, Malolos, Bulakan, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, Obando, San Ildefonso at San Jose Del Monte.

Kaugnay nito, nasira ang bahagi ng isang dike sa Obando sa kasagsagan ng bagyo na mabilis nagpabaha sa kalapit na lugar gaya ng Brgy. Lawa at karatig lugar.

Sinasabing agad napasugod sa lugar si Mayor Ding Valeda sa lugar kasama ang MDRRMO at Municipal Engineering Office na agad umaksyon at nagsagawa ng structural evaluation sa bawat segment ng dike upang matukoy ang lawak ng pinsala at kinakailangang antas ng rehabilitasyon.

Samantala, hindi madaanan ng maliliit na sasakyan ang kahabaan ng Panginay-Guiguinto, Balagtas habang ganoon rin ang Brgy. Taliptip, Bulakan, at Ubihan, Meycauayan patungong Obandi dahil sa taas ng tubig-baha.

Sinusulat ito, marami pa rin mga mababang lugar sa mga nabanggit na lugar ang nakalubog sa baha. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here