Home NATIONWIDE Binata kinatay ng katomang bangag

Binata kinatay ng katomang bangag

270
0

Bulacan – Patay ang binata matapos umanong pagsasaksakin sa dibdib ng kainumang bangag sa kasagsagan ng bagyong Uwan sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Nobyembre 10.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si alyas “Ennan”, 34, helper habang ang suspek ay isang alyas Wil, 45, binata, kapwa residente ng Brgy. Minuyan IV.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima na umanoy kapwa lasing sa alak at bangag sa iligal na droga.

Dahil dito, walang kaabog-abog na sinaksak ng dalawang beses sa dibdib ng suspek ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Nang makarating sa pulis ang nangyari ay agad itong rumesponde hanggang tumambad sa kanila ang nakasubsob na duguang biktima na idineklarang dead on the spot ng rescue team na dumating sa lugar.

Sinasabing may mga narekober na drug paraphernalia sa crime scene, ayon na rin sa report.

Agad ikinasa ng mga awtoridad ang hot pursuit operation para sa ikadarakip ng suspek. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here