MANILA, Philippines – Nasamsam ng awtoridad ang P53.35 milyong halaga ng insecticides at inaresto ang Chinese warehouse owner na si De Yu sa Barangay Parsolingan, Gerona, Tarlac, noong nakaraang Biyernes.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang pag-aresto ay kaugnay ng paglabag sa Intellectual Property Code (RA 8293).
Inakusahan si De Yu na gumawa, nag-imbak, at nagbenta ng aerosol insecticides nang walang pahintulot mula sa may-ari ng trademark.
Kasama sa nasamsam ang mga unfilled at pressed canisters, lids ng canisters, tin sheets, at kagamitan sa paggawa ng mga aerosol.
Ang suspek ay kasalukuyang inihain sa National Prosecution Service sa ilalim ng Sections 155, 168, at 169 ng RA 8293. Dave Baluyot