Home NATIONWIDE Ombudsman kinontra ng DOJ: ICC warrant vs Bato, wala pa

Ombudsman kinontra ng DOJ: ICC warrant vs Bato, wala pa

191
0

MANILA, Philippines – Wala pang inilalabas na warrant of arrest ang International Criminal Court o ICC para kay Senador Ronald Dela Rosa.

Nilinaw ito ng Department of Justice kasabay ng paliwanag ni Chief State Counsel Dennis Arvin Chan na wala pa silang natatanggap na kopya mula sa ICC hanggang sa ngayon.

Pumutok ang isyu nang ihayag ni Ombudsman Crispin Remulla noong nakaraang linggo na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay Sen. Bato para sa reklamong crimes against humanity.

Matatandaan na inaresto ng Interpol at dinala sa The Hague sa Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng ICC kaugnay sa kanyang war on drugs noong siya ay Pangulo ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here