Manila, Philippines – Malakas ang usap-usapan na produkto rin ng syensya ang magandang hitsura ni Kyline Alcantara.
Partikular na dapat daw ipagpasalamat ng Kapuso actress sa doktor ang kanyang pingi at baba. Nagpalagay din daw siya ng dimples.
Ang kanyang kamakailang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda ang nagbigay kay Kyline ng pagkakataong linawin ang isyung kinasasangkutan niya.
May pasakalye muna siya: “You know naman po, Tito Boy, I’m for self-enhancement, self-love…self-worth matters to me.”
Sinundan ito ni Kyline ng: “I have nothing against it. At kapag kailangan ko na, I’ll have it done on me!”
Kaya diretsahan na siyang inusisa ni Boy base sa circulating rumors. Ipinagawa raw ni Kyline ang kanyang mga pisngi at baba. Not only that, nagpalagay rin daw ng dimples ang aktres.
Kung gaano kadiretso ang pagtatanong ni Boy ay siya ring diretso ang tugon ni Kyline.
“Hindi po, Tito Boy!” mabilis niyang pagtanggi.
Katwiran niya: “I’m okay with it if anyone does it for self-enhancement. As long as you feel confident about it and you won’t regret later, go ahead!”
Summing it all up: “After all, it’s your body!”
May kasabihan ngang: “My body, my rules!” No one else’s. Ronnie Carrasco III