MANILA, Philippines – Nasa 366 lugar sa bansa ang lubog pa rin sa baha dahil sa epekto ng Bagyong Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Hanggang nitong Miyerkules, Nobyembre 12, iniulat ng NDRRMC na 147 lugar sa Central Luzon, 104 sa Bicol Region, at 61 sa Cagayan Valley ang baha pa rin.
Dalawmput siyam na lugar sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region ay lubog din sa baha kasama ang 16 na lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, apat sa Ilocos Region, tatlo sa Western Visayas, at dalawa sa Northern Mindanao.
Apektado ng pananalasa ng Bagyong Uwan ang nasa 3,596,174 katao o 1,006,149 pamilya sa 16 na rehiyon.
Bicol Region ang may pinakamalaking bilang ng mga apektadong indibidwal sa 1,414,412 (394,349 pamilya), sinundan ng Ilocos Region (426,884 apektadong katao /122,044 pamilya), at Eastern Visayas (422,392 affected persons / 117,529 pamilya).
Naitala rin ng NDRRMC ang 27 nasawi, 36 sugatan at dalawang nawawalang indibidwal. RNT/JGC