Home NATIONWIDE Higit 3,700 tirahan sinira ni Uwan, Tino sa Eastern Visayas

Higit 3,700 tirahan sinira ni Uwan, Tino sa Eastern Visayas

388
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office na mahigit 3,700 tirahan ang napinsala sa Eastern Visayas sa pananalasa ng Bagyong Uwan at Tino.

Sa latest monitoring, sinabi ng DSWD na kabuuang 226 tirahan ang totally damaged, habang 3,490 ang nagtamo ng partial damage.

Naitala ang 661 pamilya o 2,359 indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa evacuation centers (ECs) sa rehiyon dahil sa Bagyong Uwan.

Kabilang dito ang isang pamilya sa Biliran, 105 pamilya sa Leyte, at 555 pamilya sa Northern Samar.

Nasa kabuuang 32 evacuation centers ang nananatiling bukas para patuluyin ang mga ito.

Samantala, nasa 223 pamilya o 851 indibidwal ang tumutuloy pa rin sa mga evacuation center dahil ang kanilang mga tirahan ay sinira ng Bagyong Tino.

Sa nasabing bilang, 39 pamilya ang mula sa Leyte, 22 mula sa Northern Samar, at 162 mula Southern Leyte.

Nananatiling operational ang 24 evacuation centers para sa mga apektadong pamilya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here