Home NATIONWIDE Uwan humina pa habang papalapit sa Taiwan

Uwan humina pa habang papalapit sa Taiwan

261
0

TAIWAN – Patuloy na humihina ang Tropical Storm Fung-wong o kilala bilang Uwan, habang lumalapit sa southern Taiwan nitong Miyerkules, Nobyembre 12.

Huling namataan ang Tropical Storm Uwan sa layong 265 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes, o nasa labas ng Philippine area of responsibility.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.

Nakataas ang Wind signal no. 1 sa Batanes at northwestern Babuyan Islands.

Inaasahang muling papasok ang bagyong Uwan sa PAR ngayong hapon at magla-landfall sa southern Taiwan.

Kalaunan ay hinina ito bilang isang remnant low sa northern Philippine Sea pagsapit ng Huwebes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here