Home NATIONWIDE P188-M pinsala sa agrikultura dulot ng Uwan, naitala—DA

P188-M pinsala sa agrikultura dulot ng Uwan, naitala—DA

315
0

MANILA, Philippines – Tinatayang umabot sa ₱188.27 milyon ang pinsala sa agrikultura at naapektuhan ang 6,580 magsasaka sa halos 3,905 ektarya ng pananim dahil sa Super Typhoon Uwan, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules.

Pinakamalaking pinsala ang naitala sa palay na umabot sa 9,017 metriko tonelada, kasunod ang mais (1,235 MT), kamoteng kahoy (42 MT), at iba pang high-value crops (546 MT). Naitala rin ang ₱281,000 halaga ng pagkasira sa mga hayop kabilang ang manok, baboy, baka, kalabaw, kambing, at kabayo.

Isa sa mga pinakamatinding apektadong rehiyon ang Cagayan Valley, ngunit patuloy pang ini-validate ng DA ang kabuuang pinsala. Nagpamigay na ang DA Regional Field Office II ng 927 bag ng binhi ng mais sa 896 magsasaka sa bayan ng Allacapan, Gattaran, at Rizal sa Cagayan.

Naglaan din ang DA ng tulong para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang ang farm inputs, animal feeds, fingerlings ng isda, rice stocks, emergency funds, zero-interest loans, at crop insurance.

Bagama’t umalis na si Uwan sa Philippine Area of Responsibility nitong Martes, nagpatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here