Home NATIONWIDE Higit 900K stude sapul, halos 3K iskul wasak kay Uwan—DepEd

Higit 900K stude sapul, halos 3K iskul wasak kay Uwan—DepEd

272
0

MANILA, Philippines – Umabot sa mahigit 913,000 estudyante ang naapektuhan at halos 3,000 paaralan ang nasira sa buong bansa matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Uwan, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules.

Sa rapid assessment ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 2,979 pampublikong paaralan ang nagsuspinde ng klase habang 968 ang ginawang evacuation center.

Naitala rin ang pinsala sa 2,953 paaralan, kabilang ang 1,986 silid-aralan na tuluyang nawasak, 3,503 na may malaking pinsala, at 10,400 na nangangailangan ng minor repairs.

Pinakamalubha ang pinsala sa Bicol Region, kung saan mahigit 8,200 silid-aralan ang naapektuhan.

Naglaan ang DepEd ng ₱661.1 milyon para sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagtatayo ng mga pansamantalang silid-aralan—₱151.5 milyon para sa clearing at ₱509.6 milyon para sa minor repairs.

Tinatayang ₱328.8 milyon ang kailangan ng Bicol para sa rehabilitasyon.

Nakikipag-ugnayan din ang DepEd sa World Bank para sa posibleng pondo sa muling pagtatayo ng mga silid-aralan.

Kabilang sa mga prayoridad nito ang pag-aayos ng mga paaralan, pagtatayo ng temporary learning spaces, pagbibigay ng solar generators, at psychological first aid sa mga naapektuhang mag-aaral at guro.

“DepEd is committed to restoring normal educational operations while safeguarding the well-being of learners and education personnel,” ayon sa pahayag ng ahensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here