Manila, Philippines – Ngayon pa lang ay inabisuhan na ni Sugar Mercado ang mga fans ng Sex Bomb Dancers na hindi siya makakasama sa kanilang reunion show.
Gaganapin sa December 4 ang Get Get Aw! show ng mga dating alaga ni Joy Cancio.
Of its members, tanging si Rochelle Pangilinan lang ang nag-branch out sa pagganap.
Ani Sugar, abangan daw ang misis ni Arthur Solinap dahil pinaghandaan daw niya ang kanilang reunion to the point na nagpapayat siya.
Teka, wala ba si Sugar sa kanilang reunion?
Sadly, yes.
May kinalaman daw ‘yon sa pinirmahan niyang kontrata bilang nanalo sa Mrs. Universe Official.
Wala daw choice si Sugar kundi sumunod sa mga patakaran nito: “Pero sisiguraduhin ko na manonood ako!”
Samantala, aminado ang dating Sex Bomb member na busy siya.
Ito na rin daw ang dahilan kung bakit zero communication sila ng dating nobyong si Willie Revillame.
Pitong taon ding tumagal ang kanilang relasyon, and the way she puts it – it was good while it lasted.
Kapwa rin daw sila busy ngayon ni Willie, for whom Sugar only has nice words.
“Walang masamang tinapay sa kanya. Kaya wala akong maipipintas sa kanya,” aniya.
Back to being single, hindi raw naghahanap ng partner si Sugar.
Much of her joy and contentment comes from her immersion in Bible study.
“Pag may Diyos ka sa iyong puso, hindi mo na kailangan ng partner to complete you.”
“At saka tutok ako sa mga anak ko,” sey ni Sugar, na iniiwas lang daw ang mga anak sa toxicity caused by social media lalo’t iresponsable kang gumamit nito.