MANILA, Philippines – Patay ang isang Grade 9 na lalaki matapos siyang mabangga ng trak sa Mandaue City, Cebu.
Base sa ulat, habang naglalakad sa bangketa, bigla umanong tumakbo ang biktima sa kanto ng kalsada kung saan kumakaliwa ang trak, at naipit sa maliit na puwang sa pagitan ng trak at pader.
Sinabi ng drayber ng trak na hindi niya napansin ang bata bago ang insidente. Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng traffic police habang iniimbestigahan ang aksidente. RNT