Home METRO 3 katawang biktima ni Tino narekober sa NegOcc

3 katawang biktima ni Tino narekober sa NegOcc

286
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Narekober ang bangkay ng tatlong babae na pinaniniwalaang nasawi noong Bagyong Tino sa Moises Padilla, Negros Occidental, noong Miyerkules, kinumpirma ni Mayor Ella Garcia Yulo.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Felipa de la Cruz.

Ayon kay Yulo, may kabuuang 19 na bangkay ang narekober sa Moises Padilla mula nang humagupit ang bagyo. Kabilang sa mga ito ang tatlong residente ng Canlaon City at apat mula sa La Castellana.

Samantala, sa Sibunag, Guimaras, nadiskubre ang bangkay ng isang batang lalaki. Inilarawan ng mga awtoridad ang bata, na pinaniniwalaang nasa pagitan ng 3 at 7 taong gulang, bilang kalbo at nakasuot ng camouflage shirt.

Iniulat din ng pulisya na siyam na bangkay ang natagpuan sa Hinigaran, Negros Occidental, kasunod ng pananalasa ni Tino.

Nitong Martes, naitala ng Office of Civil Defense ang 64 na namatay at 68 na nawawala sa Negros Occidental dahil sa bagyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here