Home OPINION KASUNOD NG SEARCH AND RESCUE

KASUNOD NG SEARCH AND RESCUE

283
0

NAGSIMULA na ang pagbibilang ng gobyerno kung ilan ang namatay dahil sa Bagyong Uwan kahit hindi pa tapos ang pagbibilang sa biktima naman ng Bagyong Tino.

Ito ay sa kabila ng paghahanda na isinagawa ng gobyerno kapag may bagyo dahil hindi pa rin nawawala sa eksena ang mga kababayan natin na matigas ang bungo na madalas mauwi sa kapahamakan tulad ng nangyari sa lalawigan ng Bohol.

Noong nadaplisan ng malalakas na hangin at ulan ang lalawigan ng Bohol nang dahil sa Bagyong Tino ay may naitalang isang barangay tanod ang namatay nang dahil sa pagpuputol ng sanga ng puno na tumama sa kanyang bahay.

Sa dami ba naman ng pagkakataon para gawin iyon ay doon pa sa araw na may bagyo kung saan malakas ang hangin kaya bukod-tangi siyang naitala sa listahan ng gobyerno ni Bohol Governor Aris Aumentado noong kasagsagan ng bagyong Tino.

May tinatawag na ‘Forced Evacuation’ na ang ibig sabihin ay sapilitan na paglilikas sa mga kababayan natin na matitigas ang bungo na kailangan pang bitbitin sa kinauupuan para madala lang sa ligtas na lugar na inilaan ng gobyerno.

Subalit kahit ipinatutupad na ito ay hindi pa rin nauubos ang mga pasaway kaya ilang kwento patungkol sa nasayang na buhay ng mga operatiba ng Search and Rescue na sa huling pagkakataon ay nais makapagligtas ng buhay na ang kapalit naman pala ay ang kanilang sariling buhay.

Ilan lamang ito sa mga kwento na resulta ng katigasan ng bungo ng marami sa ating mga kababayan na madalas pa ay silang bumabatikos sa gobyerno kaugnay sa paraan ng paghahanda nito kapag may banta ng kalamidad tulad ng bagyo.

Ang una ay panawagan ng gobyerno sa mga mamamayan kaugnay sa paghahanda sa paparating na bagyo subalit pagkaraan na matukoy talaga ang tinatahak ng bagyo ay may mga kababayan tayo na ikinukubli sa ligtas na lugar mula sa kanilang mga bahay.

Umaabot pa na ipatupad ang sapilitan na paglilikas sa mga pasaway pero may naiiwan pa rin sa mga ito na hihingi rin ng tulong kapag hinahambalos na sila ng bagyo kung saan nalalagay sa peligro ang buhay ng mga operatiba.

Sana naman ay huling aksyon na ng gobyerno ang Search and Rescue tuwing may kalamidad dahil ang susunod na operasyon nito ay hindi na malalaman ng mga pasaway na kung tawagin ay Search and Recovery o ang paghahanap sa mga bangkay. Kaya ‘wag tigas ulo, taumbayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here