MANILA, Philippines – Isang maswerteng mananaya ang nakakuha ng P81.810 milyon na jackpot sa Lotto 6/42 para sa draw nitong Huwebes, Nobyembre 13, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination ay 18-28-08-30-41-06, na nagbigay ng buong premyo sa nag-iisang panalo.
Samantala, walang tumama sa Superlotto 6/49 jackpot na P15.84 milyon, kahit inilabas na ang winning numbers na 47-29-45-48-26-46. RNT