Home NATIONWIDE Maximum tolerance ipatutupad ng PNP sa INC rally

Maximum tolerance ipatutupad ng PNP sa INC rally

271
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa tatlong araw na prayer rallies sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18, ayon kay acting Chief Gen. Jose Melencio Nartatez.

“I have directed the National Capital Region Police Office to ensure maximum tolerance and maintain a high level of discipline and professionalism among all deployed personnel,” ani Nartatez.

Aabot sa 16,433 pulis at suporta ang ide-deploy sa Rizal Park sa Maynila, kung saan gaganapin ang “Rally for Transparency and a Better Democracy” ng Iglesia Ni Cristo, at sa EDSA People Power Monument sa Quezon City para sa pagtitipon ng United People’s Initiative (UPI).

May dagdag na tauhan din sa mga lugar na inaasahang magkakaroon ng lightning rallies.

Bilang bahagi ng seguridad, 1,400 pulis ang ilalagay sa Ayala Bridge at 1,100 sa Recto Avenue, na dati nang tinamaan ng marahas na protesta.

Sinabi ni Nartatez na layunin ng plano na panatilihing mapayapa, maayos, at ligtas ang mga aktibidad para sa mga kalahok at publiko, na may agarang pagsasaayos kung kinakailangan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here