MANILA, Philippines – Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile (JPE), tinawag niya itong “one of the most enduring and respected public servants” sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa isang kalatas, sinabi ni Pangulong Marcos na ang decades-long service ni Enrile sa bansa, saklaw ang batas, pamamahala, at public policy, ay nag-iwan ng ‘indelible mark’ sa political at legal landscape ng bansa.
“We say goodbye to one of the most enduring and respected public servants our country has ever known. For over 50 years, Juan Ponce Enrile dedicated his life to serving the Filipino people, helping guide the country through some of its most challenging and defining moments,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang pahayag ng Pangulo ay matapos ianunsyo sa publiko ng anak ni JPE na si Katrina Ponce Enrile ang pagpanaw ng kanyang ama.
Si Enrile, pumanaw sa edad na 101, ay nagsilbi bilang Senate President, Defense Minister, at kamakailan lamang bilang Chief Presidential Legal Counsel sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ang karera ni Enrile ay nagsimula sa rehimen ni Marcos Sr. at nagpatuloy sa post-EDSA People Power governments, dahilan para ituring siyang isa sa ‘most influential political figures’ sa bansa sa loob ng mahigit kalahating siglo.
Inilarawan naman ni Pangulong Marcos si Enrile bilang isang brilliant legal mind na nananatiling “sharp and steadfast” sa kanyang paniniwala na ang batas at pamamahala ay dapat palaging magsilbi sa mamamayang Filipino.
“Even in his final years, he remained brilliant, sharp, and firm in his belief that law and governance must always serve the Filipino people,” anito pa rin.
Winika pa ng Pangulo na ang pagpanaw ni Enrile ay marka ng pagtatapos ng isang era subalit binigyang-diin na magpapatuloy ang impluwensya nito sa paghubog ng institusyon at public service sa bansa.
“His passing marks the close of a chapter in our nation’s history. But the mark he leaves behind in law, in governance, and in the hearts of those he served will never be forgotten,” ayon kay Marcos.
Tinapos ng Pangulo ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang personal na nota, pinasalamatan ang kanyang ‘Tito Johnny’ para sa kanyang habambuhay na dedikasyon sa bansa.
“Maraming salamat, Tito Johnny. Paalam at salamat sa isang buhay na buong puso mong inalay para sa bayan,” aniya pa rin.(Kris Jose)