Home METRO Kelot tinarakan sa gitna ng kalsada sa Pasig; selos, motibo

Kelot tinarakan sa gitna ng kalsada sa Pasig; selos, motibo

329
0

MANILA, Philippines – Love triangle ang nakikitang motibo ng pulisya sa pananaksak na ikinamatay ng isang lalaki sa Pasig.

Ayon sa imbestigasyon ng Pasig City Police, napag-alamang hinabol ng dalawang suspek ang biktima sa maliwanag na sikat ng araw, bago siya bumuwal sa kalsada. Doon, pinagtulungang hampasin sa ulo at saksakin sa likod.

Natrigger umano ang pambubugbog at pananaksak dahil sa selos sa pakikipag-usap ng biktima sa girlfriend ng suspek.

Napag-alaman rin ng pulisya na may dating relasyon ang biktima at ang babae.

Iniwan ng dalawang suspek sa kalsada ang biktima na may saksak sa likod, kung saan siya tuluyang namatay.

“Isang saksak lang ang tama, sa likod. Sa lakas ng pagkakasaksak, naiwan pa ‘yung kitchen knife na ginamit sa krimen doon sa bangkay,” ayon kay Pasig City Police chief PCol. Hendrix Mangaldan sa panayam.

Ayon sa ulat, bago ang insidente, nakatanggap na ng death threats ang biktima mula sa isa sa mga suspek, na itinuro ng girlfriend nito. (Dave Baluyot)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here