Home NATIONWIDE P5,000 taunang pambaon sa lahat ng estudyante sa Pinas, ipinasasabatas

P5,000 taunang pambaon sa lahat ng estudyante sa Pinas, ipinasasabatas

326
0

MANILA, Philippines – Ipinapanukala ng isang kongresista sa Metro Manila ang P5,000 taunang pambaon para sa lahat ng estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo, kasama ang karagdagang P10,000 para sa mga top-performing students, sa ilalim ng House Bill 2657 o ang BAON Para sa Estudyante Act.

Ayon kay Parañaque City 2nd district Rep. Brian Raymund Yamsuan, layunin ng panukalang batas na matulungan ang mga estudyante sa iba pang gastusin bukod sa matrikula, tulad ng pagkain, pamasahe, at gamit sa paaralan. “The stipend we are proposing should not be seen as a doleout. Hindi po ito ayuda kundi investment in our country’s greatest asset—our people, most especially our youth,” ani Yamsuan.

Kasama rin sa panukala ang pag-aaral ng DepEd at CHED kung paano mas mabibigyan ng prioridad ang mga estudyanteng may pinakakailangan, maaaring gamit ang tiered system batay sa kita ng pamilya.

Binanggit niya ang lokal na implementasyon sa ikalawang distrito ng Parañaque kung saan humigit-kumulang 3,600 estudyante ang nakinabang, at nakatulong ang programa sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral at pag-gaan sa pasanin ng mga pamilya, lalo na ng mga solo parent. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here