Manila, Philippines – Yes. We all know that it is now official–Johnny Manahan–or Mr. M as he is affectionately called–is with TV5.
Wala na nga sa bakuran ng GMA ang beteranong starmaker/starbuilder na naging responsable sa pagkakatatag ng Sparkle, ang talent arm ng Kapuso network.
Walang kaalam-alam ang karamihan sa TV industry na nagtapos na ang kontrata ni Mr. M sa GMA.
His entry into TV5 is via the music showdown show Vibe.
At para pormal ngang salubungin ang pagdating niya sa Kapatid Network ay idinaos ang contract signing.
Kung susuriin, parang indikasyon na ang kaganapang ito base sa pagpirma ni Andrea Brillantes sa MQuest Ventures/TV5.
Movie contract naman ang nakasaad sa pinirmahang kontrata ng aktres.
Kaabang-abang ang pagiging isa nang Kapatid ni Mr. M dahil hindi malayong siya rin ang maatasang mamuno ng talent arm ng istasyon.
Having gone full circle, baon niya ang napakaraming taon ng pagiging dalubhasa sa mga aspeto ng TV production, initially directing Vibe.
Teka, hindi nga ba’t noong lumipat sa GMA si Mr. M ay maraming Kapamilya stars have followed suit most especially the ones whose careers he has seen through?
Sinu-sino naman kayang mga artista–either from GMA or ABS-CBN–ang sasama sa kanya sa TV5?
Nauna nang naiulat na done deal na ang pakikipag-collab ni Coco Martin sa Kapatid network.
Who’s next?
Anyway, just asking lang. Totoo bang nagkaproblema si Mr. M sa executives ng GMA7? Ronnie Carrasco III