Manila, Philippines – Kamakailan ay napagkasunduan ni Anjo Yllana at ng magkapatid na sina Bossing Vic at Maru Sotto na “ceasefire” na ang magkabilang kampo.
Ito’y makaraang kausapin at mag-reach out kay Anjo ang Sotto brothers kaugnay ng isyu sa pagitan ng una at ng kuya ng huli na si Senate President Tito Sotto.
Damay na rin ang Eat Bulaga sa mga pinasaringan ni Anjo sa kanyang Facebook live nang magkakasunod na araw.
Ipinaliwanag ni Anjo sa magkapatid na bina-bluff lang daw niya ang kuya ng mga ito nang “magbantang” ilalantad niya ang umano’y kabit nito noon pang 2013.
Ani Anjo, bunga lang daw ‘yon ng pagkabuwisit niya sa mga trolls ni Tito Sen–bagay na itinanggi nina Bossing at Maru.
Suspetsa kasi ni Anjo, ang mga bashers niya’y mga “pakawala” ni Tito Sen dahil sa kanyang mga banat sa gobyerno kaugnay ng flood control anomaly.
Kuwento ni Anjo, noong umpisa raw ng kanyang pakikipag-usap sa mga Sotto brothers ay galit ang mga ito.
Nauunawaan naman daw ‘yon ni Anjo: “Siyempre, kapatid nila ang involved!”
Maging sa palitan nila ng text messages prior to their dialogue ay galit ang mga ito.
Gayunpaman, nagpapasalamat si Anjo sa pag-reach out ng magkapatid sa kanya.
Sa bandang huli’y napagkasunduan ng mga partido na pairalin ang “ceasefire” –such that wala nang sasabihin pa si Anjo laban sa mambabatas.
Tinatanaw din ni Anjo ang malalim na pinagsamahan nila ni Bossing.
Kung matatandaan, 21 taon ding naging co-host ng Eat Bulaga si Anjo at tinanggal na lang noong pandemya.
In a way, masasabing okey na rin sana ang arrangement nilang ‘yon kesa humaba pa ang isyung ayaw patulan mismo ni Tito Sen dahil:
“Nagpapapansin lang si Anjo!”
Pero bakit nagtuloy-tuloy pa rin ang banat ni Anjo sa kanyang FB live? Sumablay ba ang “ceasefire”? Ronnie Carrasco III