Home NATIONWIDE Protesta vs Trump, ASEAN Summit ipaubaya sa akmang awtoridad – Lacson

Protesta vs Trump, ASEAN Summit ipaubaya sa akmang awtoridad – Lacson

5
0

MANILA, Philippines – Mas makabubuting ipaubaya sa mga kinauukulang awtoridad ang pag-asikaso sa mga kilos-protesta kaugnay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at Related Summits, kabilang ang ASEAN-US Special Summit na dinaluhan ni US President Donald Trump.

Bukod dito, maraming mag-aaral sa iba’t-ibang pamantasan, pribado man o pampubliko ang nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa pagdating ni US  President Donald Trump sa posibleng paglagda sa kasunduan sa pagtatayo ng Pax Silica sa Clark.

Sa.pahayag, iginiit ni Lacsonna  nakabatay sa real-time intelligence ang mga hakbang ng mga awtoridad at may sapat silang kaalaman at kakayahan para pangasiwaan nang maayos ang mga protesta.

“ASEAN SUMMIT: Let’s leave it to the relevant authorities. I assume that they are guided by real-time intelligence and their well-calculated assessments. Furthermore, they possess the necessary expertise to handle the protests decisively,” ani Lacson sa kanyang post sa X.

Binigyang-diin ni Lacson ang kahalagahan ng maingat at pinag-isipang pagkilos batay sa intelligence, na aniya ay hinuhugot niya mula sa kanyang karanasan sa pagpapatupad ng batas, kabilang ang panunungkulan bilang hepe ng Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001.

Dumating si Trump sa Maynila nitong Martes ng hapon para sa ASEAN-US Special Summit at bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nakaschedule siyang salubungin sa Malacañang Miyerkules ng umaga sa pamamagitan ng arrival honors bago ang bilateral meeting.

Samantala, nagsagawa ng mga protesta sa ilang bahagi ng bansa kasabay ng summit, marami sa mga ito ay laban sa inisyatibang Pax Silica na pinangungunahan ng US.

Umiigting ang tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at awtoridad mula nang magsimula ang ASEAN Summit nitong weekend. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here